-- Advertisements --
octa
UP Octa Research Team photo

Muling nilinaw ngayon ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ang mas malalim na pag-aaral at mahabang panahon kaugnay sa impormasyon na nag-flatten na ang tinatawag na “curve” sa dami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Una nang naglabas ng naturang assessment ang mga independent at research group mula sa University of the Philippines (UP).

Iginiit naman ni DOH spokesperson at Usec. Rosario Vergeire, sa ngayon daw ay nakakaagapay na ang mga health system sa Metro Manila at mga karatig na lugar kumpara nitong nakalipas na isang buwan.

“We need to study further, we can’t say really ngayon na bumababa na. Ilang araw pa lang ang naitatalang pagbaba ng bilang,” ani Vergiere sa isang panayam.

Usec Vergeire July 8
DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergerie

Tinukoy din naman ng DOH ang epektibong istratehiya na nakakatulong na mapababa ang mga kaso na coronavirus, tulad ang CODE strategy na siyang nagbabahay-bahay upang alamin ang mga COVID positive.

Liban dito, malaking tulong din daw ang One Command Hospital na siyang nagbibigay koordinasyon kung puno na ba o hindi pa ang isang pagamutan sa mga pasyente.