-- Advertisements --

Gumagawa pa ang Department of Health (DOH) ng mga panuntunan para sa pagpapabakuna ng mga frontline workers kabilang na ang mga fourth priority group ng COVID-19 inoculation.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na natapos na ang kanilang pakikipagpulong sa mga private sectors at sila ay maglalabas na ng guidelines sa mga susunod na mga araw.

Ang A4 priority group ay binubuo ng mga economic frontliners sa essential services na sila ang susunod na mabakunahan pagkatapos ng mga health workers na nasa A1, senior citizens na nasa A2 priority at mga mayroong comorbidities na nasa A3.

Nauna ng target ng gobyerno na maturukan ng COVID-19 vaccine ang nasa 70 milyon katao sa bansa ngayon taon.