-- Advertisements --
Gumagawa na ng guidelines ang Department of Health (DOH) para sa pagpayag sa mga indibidwal na magpaturok ng COVID-19 vaccine na may magkakaibang brand.
Kasunod ito sa naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na lamang sa China ang 1,000 dose donation nng Sinopharm vaccine dahil wala pang emergency use authorization ito mula sa Food and Drugs Administration (FDA).
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo, para masagot ang katanungan kung paano na ang mga nakapagpaturok ng unang dose ng Sinopharm ay mahalaga na maglabas ang DOH ng panuntunan para sa pagpapabakuna ng magkaibang brand.
Dagdag pa nito na posibleng magkaroon ng interchangeability o mixing ng mga vaccine sakaling hindi nabigyan ng parehas na brand sa ikalawng dose.