-- Advertisements --
Gumagawa na ng paraan ang Department of Health (DOH) para mas lalong mapabuti pa ang pagtukoy nila sa COVID-19 variant.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isa rito ay ang pagpapalawig ng kanilang genome sequencing process sa Visayas at Mindanao.
Sa nasabing paraan ay para makamit ang ipinag-uutos ng World Health Organization (WHO) na makamit ang proseso ng limang porsyento.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa isang porsyento pa lamang ang nagkaroong positive samples na idinaan sa genome sequencing.
Isa rin aniya itong hamon sa kasalukuyan matapos na makadiskubre ang DOH ng Delta variant sa bansa.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 750 samples kada linggo ang kanilang dinadala sa Philippine Genome Center.