-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nasa halos 60 mga preso at jail guards ang nagpositibo ng COVID-19 sa bayan ng Laoang, Northern Samar.

Napag-alaman na 58 rito ay mula sa Laoang Sub-Provincial Jail.

Ayon kay John Paul Roca, tagapagsalita ng Department of Health (DOH)-8, sa nasabing bilang, 12 dito ay mga jail guards at 46 ang mga inmates.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung papano nahawa ang mga ito pero ay naka-isolate na ang mga ito sa kasalukuyan.

Una na ring nagbigay ng mga vitamins para sa mga inmates at jail guards si Northern Samar Governor Edwin Ongchuan.