MANILA – Tatlong rehiyon sa bansa ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) sa umaapaw nang kapasidad ng kanilang mga ospital sa COVID-19.
Kabilang rito ang Davao region, Western Visayas, at Cagayan Valley.
“Iyan talaga (yung regions) that we can see that this high utilization for healthcare,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Ang healthcare utilization rate ay ang sukat ng mga kama at pasilidad na okupado na ng mga pasyente ng COVID-19.
“Our means of determining kung ang ating health system capacity ay manageable sa isang lugar.”
Batay sa huling report ng DOH, pare-parehong nasa “low at moderate risk” ang healthcare utilization rate ng tatlong rehiyon.
LOOK: DOH's Dr. Alethea de Guzman says the Philippines is now classified as "low risk" to COVID-19 following the 2-week growth rate to -9%, and 5.42 average daily attack rate (from 5.96).
— Christian Yosores (@chrisyosores) July 1, 2021
Regions 11, 6, 12, and 8 are at "high risk." | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/TKTM2hhcAW
Gayunpaman nasa “high risk” ang estado ng kanilang mga intensive care unit (ICU) para sa COVID-19 patients.
Sa Davao region, 81.12% na ICU rate; 81.63% sa Western Visayas; at 72.36% sa Cagayan Valley.
Paliwanag ni Vergeire ang mabilis na pagkakapuno ng mga pasilidad ay depende sa inilalaan ng mga ospital.
“Ang isang factor na nakakapagpataas ng utilization ng healthcare would be yung maliit na numero ng kama para sa COVID-19.”
“Ito ang pinagta-trabahuan ng DOH at regional officials para ma-expand yung number of beds for COVID.”