Sumirit pa sa 508 ang kabuuang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), nasa kabuuang 1,968 na mga medical frontliners ang nagpositibo rin sa coronavirus.
Sa 1,426 aktibong kaso, 991 o 69.5% ang itinuturing na mild cases; 428 o 30% ang asymptomatic, habang pito o 0.5% ang severe cases.
Samantala, sa nabangit na mga kaso, 740 ang nurse; 621 ang physicians; 126 ang nursing assistants; 72 ang medical technologists; 39 ang radiological technologists; at 147 ang non-medical staff.
Nasa 34 naman ang mga namatay na health workers dahil sa deadly virus.
Una nang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na naobserbahan daw ng kagawaran ang pagbaba ng bilang ng mga kumpirmadong kaso sa mga health workers.