-- Advertisements --
Hinahanap pa rin ng Department of Health (DOH) ang walong pasahero na nanggaling sa South Africa.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na ang walong pasahero ay kabilang sa 253 pasahero na dumating sa bansa noong Nobyembre 29.
Nakita at naberipika na nila ang 80 biyahero kung saan 77 sa kanila ay mga returning overseas Filipinos (ROF).
Sa apat din na sumailalim sa retesting ay lumabas na lahat ay negatibo kabilang ang tatlong dayuhan.
Nasa facility quarantine na ang 71 na ROF at tatlong dayuhan kung saan apat ang nasa home quarantine at lima naman ang nakalabas na matapos makompleto ang 14 na araw na quarantine.