-- Advertisements --
Hindi inirerekomenda ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang strict lockdown sa Metro Manila kahit na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ng kalihim na hindi malayong mangyari ang total lockdown sa Metro Manila kapag tuloy-tuloy pang tumaas ang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa nito, ang ipinapatupad na localized lockdowns ng mga opisyal ng local governments ay nagdudulot ng positibong resulta.
Malalaman lamang ang resulta ng localized lockdown kung ito ay epekto pagkatapos ng hanggang 14 na araw.
Sakaling walang nangyari ay nararapat aniya na magpatupad na ng mahigpit na lockdown.