-- Advertisements --
Hindi nakikita ng Department of Health (DOH) na kailangan ng i-activate ang Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sinabi DOH Secretary Ted Herbosa na umaabot na sa 14 na kaso ng MPOX ang naitala mula pa noong Agosto.
Ang nasabing bilang aniya ay mababa pa at hindi pa gaanong dapat ikabahala.
Pinawi rin nito ang pangamba na dapat ay huwag munang mangamba at matakot dahil sa maaari pang ma-control ito at maputol ang pagkakahawaan dito.
Kahit na mayroong Clade 1B na uri ng Mpox at marami ang nakakarekober ay hindi pa dapat iactivate ang IATF-EID.