Sa kabila ng bahagyang pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19, inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi nila nakikita ang pangangailangan na muling pagpapatupad ng mandatory facemask.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na pagkatapos ng tatlong taong patuloy na pagsusuot ng masks, sa pangkalahatan ay nababatid na ng mga Pilipino kung kailan at saan sila dapat magsuot nito.
Sa pinakahuling monitoring kais, nakapagtala ang DOH ng karagdagang 502 na impeksyon sa tally nito na kung saan tumaas ng 10 %.
Sa kabila ng pagpapanatili ng isang mapapamahalaang sitwasyon ng COVID-19 para sa Pilipinas, ang World Health Organization (WHO) ay patuloy na nagbabala na ang COVID19 ay nananatiling banta sa kalusugan ng bawat indibidwal.
Ang pinakabagong data mula sa WHO ay nagpapakita na ang virus ay pumatay ng halos 10,000 noong Disyembre.
Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko, lalo na ang mga matatanda at immunocompromised, na panatilihin ang mataas na antas ng pag-iingat lalo na kapag nasa mga lugar na hindi tiyak ang physical distancing at tamang bentilasyon.
Gayundin na laging gumamit ng hand sanitizers o alcohol at palagiang maghugas ng kamay.