-- Advertisements --
Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang resulta ng pag-aaral sa bagong COVID-19 variant sa India na nagdulot ng biglang pagtaas ng kaso ng virus.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na tinatalakay na rin nila ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibleng pag-implementa ng travel bans mula sa South Asian nation.
Dagdag pa nito na hinihintay nila ang rekomendasyon ng DOH at ang mga eksperto.
Magugunitang nagdulot ng mataas na bilang ng mga nahawaan ng bagong variant na B.1.617 kung saan naglalaman ito ng dalawang genetic mutation na E484Q at L452R.