Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa bansa batay sa monitoring ng Department of Health.
Dahil dito ay muling hinimok ng ahensya ang publiko na makiisa sa paglulunsad ng Alas-Kwatro Kontra Mosquito.
Ang hakbang na ito ay sabayang paglilinis ng kapaligiran sa mga komunidad para patayin ang mga pinagmumugaran ng lamok na maaaring may dalang dengue.
Batay sa abiso ng DOH, sisimulan ito sa Lunes , Pebrero 24 alas 4 ng hapon.
Ito ay nakatakdang isagawa sa mga lugar sa Luzon, Visayas at maging sa Mindanao.
Inaasahang lalahok ang Quezon City mula sa Luzon na may pinakamaraming kaso ng naitalang dengue.
Makikiisa naman ang Iloilo, Aklan, Antique, at Guimaras sa Visayas habang sa Mindanao naman ay lalahok ang South Cotabato, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Zamboanga del Sur, General Santos City, Misamis Oriental, Misamis Occidental, at maging ang lalawigan ng Sarangani.