-- Advertisements --
image 525

Hinimok ng Department of Health ang mga local government units (LGUs) na tiyakin ang kaligtasan at kalinisan ng iba’t ibang resort dahil inaasahang dadagsa ang mga tao sa naturang mga establisyimento para sa summer season.

Ayon kay DOH Undersecretary at Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang pagsusuri sa kalidad ng mga resort ay makatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Aniya, asahan na daw kasi ang mga turista at mga tao na dadagsa sa mga pampublikong beach dahil paraan ito para maibsan ang mararamdamang panahon ng tag-init.

Mangyari raw na siguraduhing sila ay sumusunod sa naaangkop na mga pamantayan para sa kaligtasan, kalidad, at kalinisan ng kanilang mga pinupuntahan resorts.

Binigyang diin din ni Vergeire na ang mga tao ay maaaring makakuha ng mga impeksyon sa tenga at mata sa mga resort na hindi malinis at hindi ligtas.

Dagdag pa niya, maaaring makaranas din ang mga ito ng sintomas ng gastrointestinal o sakit sa tiyan mula sa maruming tubig.

Una na rito, natapos na kasi ang pag-iral ng hanging amihan o northeast monsoon sa malaking bahagi ng ating bansa na hudyat naman ng pagpasok ng mainit na hangin.