-- Advertisements --
Naka-standby ang mga ospital ng Department of Health (DOH) para umalalay sa Philippine General Hospital matapos sumiklab na sunog sa naturang pagamutan nitong umaga ng Lunes.
Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na naka-standby ang kanilang mga ospital para tumanggap ng mga pasyente na ililipat mula sa PGH sakaling kailanganin.
Sa ngayon, patuloy ang pag-monitor ng ahensiya sa development sa nasabing pagamutan.
Sinabi naman ni Health Sec. Ted Herbosa na lahat ng ambulansiya patungo sa PGH ay inabisuhan na makipag-ugnayan para sa posibleng diversion sa ibang mga ospital kabilang ang DOH hospitals.
Samantala, naapula na ang sunog bandang alas-7:15 ng umaga. Ayon sa ilang fire volunteers, nasunog ang isang kwarto ng ospital.