-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang alegasyon na “overpriced” ang mga biniling ambulansia na ipinamahagi sa Calabarzon.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Senator Panfilo Lacson na ang binili ng DOH sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HEEP) ngayong 2021 ay overpriced ng P1 milyon kada unit.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga biniling ambulansiya ay isang uri ng Type 1 na mayroong medical equipments at supplies.

Malaking tulong aniya ito sa mga pasyente na inililipat sa iba’t ibang pagamutan.

Kasama rin sa presyo ang pagsasanay sa mga drivers at medical workers na siyang itatalaga sa mga ambulansiya.

Dagdag pa ni Vergerie na ang pagbili ay dumaan sa proseso ng bidding at awards committee.

Pagtitiyak nito na naging transparent ang ahensiya sa mga binibili nito.