-- Advertisements --

Mariing iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi kailanman mamanipulahin ng ahensya ang coronavirus disease data ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Health department na batid nito ang kahalagahan ng data-driven COVID-19 response kung kaya’t target nito na makapagbigay ng accurate at real-time data sa publiko.

Una nang nagpatupad ang ahensya ng daily time-based tagging ng mga recoveries simula noong Abril 19 upang mas makita ang accurate at timely outcome ng mga kaso.

Paliwanag nito na ita-tag lang na recoveries ang mga mild at asymptomatic cases na mayroong mahigit 10 araw simula noong nakaranas sila ng sintomas at petsa ng specimen collection para sa asymptomatic cases, maliban na lamang kung lalala pa ang kanilang mga kalagayan sa loob ng 10 araw.

Bukod pa rito, ang mga kaso na ita-tag bilang recoveries ay araw-araw na ieendorso sa concerned Epidemiology and Surveillance Units (ESUs) bago ang mismong araw na ita-tag ito bilang recoveries nang sa gayon ay ma-validate pa ito ng ESU.

Sinagot na rin ng ahensya ang mga pangamba tungkol sa integridad ng datos ng mga gumagaling mula sa nakamamatay na virus. Ayond ito, karamihan sa mga kasong naiuulat ay mayroong lead time na higit-umulang pitong araw mula sa onset ng sintomas hanggang sa nai-report ang kaso.

Ibig sabihin lang nito na mayroon daw talagang delay mula sa araw ng infectio, nagpakita ng sintomas, sumailalim sa testing hanggang sa magpositibo ang resulta ng RT-PCR test.