-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na magsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang pulis sa Western Visayas matapos maturukan ng COVID-19 vaccine.
Ang nasabing pulis ay pinuno ng operations unit ng Arevalo Police Station.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Bea Natalaray, spokesperson ng DOH Region 6, sinabi nito na posibleng may exposure na sa COVID-19 positive ang pulis bago nabakunahan.
May diabetes ang pulis at nagpositibo rin sa COVID-19.
Sa ngayon, inaalam pa ang medical record ng nasabing pulis.