-- Advertisements --

Nababahala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na baka magkaroon ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa susunod buwan.

Kasunod ito sa pagpapabaya ng ilang mga mamamayan sa ipinapatupad na health protocols.

Tinukoy ng kalihim ang pagdagsa ng mga tao sa ilang pasyalan sa Metro Manila mula ng luwagan ang quarantine restrictions sa Alert level 3.

Kapag aniya napabayaan ng mga tao ang pagdisiplina ay malaki ang posibilidad na tataas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa.