Nakikita ng Department of Health (DOH) na aabot sa 215,400 ang kabuuang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa pagtatapos ng taong 2024.
Ayon sa datos ng DOH na mayroong 4,595 na kumpirmadong HIV-positive na mga individuals mula Hulyo hanggang Setyembre 2024.
Sa nasabing bilang ay mayroong 1,301 o katumbas ng 28 percent dito ang mayroong advance HIV infection sa panahon ng kanilang diagnosis.
Mayroon ding 50 HIV cases ang naitatala sa bansa kada araw kung saan 4,362 dito o 95 percent ay mga kalalakihan habang 233 o 5 percent ay mga kababaihan.
Noong panahon ng COVID-19 pandemic ay bumagsak ang kaso ng HIV sa bansa at tumaas na lamang ito pagdating ng 2022 hanggang 2023. Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang susi para sa mabilis na malaman ng nasabing kaso ay ang regular na magpapa-check up.