-- Advertisements --
Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga measles-rubella cases sa bansa.
Mula Enero hanggang Marso 1, ngayong taon ay mayroong 922 na kaso na ang kanilang naitala.
Ito ay 35 percent na mataas kumpara sa parehas na buwan noong nakaraang taon na mayroon lamang 683 na kaso.
Itinuturing ng DOH na ito ay nakakabahala na sa ilang rehiyon gaya sa National Capital Region,Cordillera Adminstrative Region, Ilocos, Bicol, Western Visayas at SOCCSKSARGEN.
Karamihan sa mga nadapuan ay mga bata na hindi nabakunahan o hindi kumpleto ang kanilang measles vaccination.
Dahil dito ay pinayuhan ng DOH ang mga magulang na makipag-ugnayan sila sa mga health centers sa kanilang mga lugar.