-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mga minor side effects matapos naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Mary Jane Juanico, pinuno ng Infectious Disease Cluster ng DOH-Region 6, sinabi nito na sa 660 na mga nabakunahan, tatlong mga medical frontliners ang nakaranas ng side effects.

Sa nasabing bilang, dalawa ang mula sa West Visayas State University Medical Center sa Iloilo City at isa sa Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital sa Bacolod City.

Napag-alaman na ngayong araw, dumating na ang second batch ng 16,880 doses ng Sinovac vaccine at 10,000 doses ng AztraZeneca vaccine sa Western Visayas.