In-activate ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na disaster response level o Code Blue sa 3 rehiyon sa Luzon dahil sa malawak na pinsala at nasawi dulot ng bagyong Kristine.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, kabilang sa mga rehiyon na nasa ilalim ng Code Blue ay ang Cagayan Valley, Bicol at Ilocos region.
Sa ilalim ng Code Blue status, ayon sa DOH ay nagpapahiwatig ng deployment ng mga medical team, experts at health units sa kasagsagan ng disaster response.
Naka-activate naman ang Code White o naka-stand by ang mga ospital sa DOH Central Office, Mindanao Cluster, Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at BARMM regions.
Iniulat din ng kalihim na karamihan sa mga nasugatam at nasawi ay dahil sa landslide doon sa Bicol region.
Sa Talisay, Batangas naman , iniulat ng Police Regional Office sa Calabarzon na nasa 14 katao na ang nasawi dahil sa landslide na nangyari noong Huwebes, October 24.
Bunsod nito, inirekomenda ng kalihim ang pagpapatupad ng pre-evacuation measures para sa mga komunidad na prone sa landslide at baha.