-- Advertisements --
vergeire

Inaanyayahan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na makibahagi sa malawakang pagbabakuna ng kanilang anak edad limang taong gulang pababa kontra sa polio, rubella at tigdas.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ngayong araw ng month long vaccination drive sa buong bansa ng kampanyang tinawag na “Chikiting Ligtas”.

Ayon kay DOH OIC Ma. Rosario Vergeire na isa sa kanilang layunin ay maprotektahan ang mga bata mula sa sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Kayat ipagpapatuloy aniya ang mga prayoridad sa pagbabakuna sa pamamagitan ng mga programa gaya ng Chikiting Ligtas 2023.

Target ng DOH na mabakunahan ang nasa mahigit 11 million bata na 0 hanggang 59 na buwan para sa oral polio vaccination habang nasa mahigit 9.5 million bata edad 9 hanggang 59 buwan ang target na mabakunahan para sa measles-rubella vaccines.