Kasunod ng mga ulat ng pagsipa ng kaso ng respiratory illnesses dahil sa pathogen mycoplasma pneomoniaesa mga bata sa China, naglabas ng mga advisory ang Department of Health (DOH) sa publiko para sa pagpapatupad ng health at hospital preparedness measures.
Kayat pinapayuhan ng ahensiya ang publiko partikular na ang vulnerable sector gaya ng mga senior citizen na ipagpatuloy ang pagsusuot ng facemask sa gitna ng patuloy pa ring pag-aaral sa walking pneumonia.
Ayon sa ahensiya, maaari ng pumila ang mga matatanda para sa libreng bakuna kontra sa influenza.
Inulat din ng DOH ang mga kaso ng influenza-like illnesses sa ating bansa ay nagsimula ng mag-plateau base sa pinaigting na monitoring ng ahensiya.
Tinyak din ng DOH sa publiko na may mga nakalatag na measure labansa posibleng pagtaas ng mga akso at patuloy ding pinaiigting ng Epidemiology Bureau ang influenza-like illness surveillance kaakibat ang World health oOrganization.