Ipapaubaya ng Department of Health (DOH) sa mga local government units kung anong frontline workers sa essential sectors ang magiging ‘A4’ priority group na matuturukan ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na maaring may ilang lungsod at munisipalidad ang kailangan na maiprioridad ang ilang subgroups sakaling magkulang ang suplay ng mga bakuna.
Bilang chairman din ng National Vaccination Operations Center sinabi pa ni Cabotaje na diskarte na ng mga LGU kung ano ang kanilang maaaring maiprioridad.
Nakatuon kasi ang pagtuturok ng A4 at A5 categories sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Metro Cebu at Metro Davao.
Target rin ng Gobyerno na maturukan ang mga nasa economic at government frontliners ganun ang mga indigent Filipinos (A5) sa buwan ng Hunyo.