-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Department of Health (DOH) ang kanilang kanilang isinusulong na mas maiksing quarantine period ng limang araw sa mga fully vaccinated na healthcare workers.

Ayon kay DOH Undersecretary Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naging tama ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpatupad ng mas maikling isolation at quarantine period para sa mga fully vaccinated health workers infected o exposed sa COVID-19.

Dagdag pa nito na hindi magpapatupad ang gobyerno na ikakapahamak ng mga healthworkers.

May ilang bansa na rin aniya ang gumaya na rin ng ganitong paraan dahil sa mabilis na pagkakahawaan ng Omicron variant.

Magugunitang umalma ang mga health care workers sa nasabing panukala kung saan hindi aniya magiging epektibo ito.