-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) kung bakit naantala ang pagpapalabas ng mga allowances para sa mga healthworkers na nangangalaga ngayon sa mga COVID-19 patients.

Ayon kay DOH Health Maria Rosario Vergeire na nagkaroon ng ilang mga technical issues ang ilang pagamutan kaya hindi nila agad nai-release ang mga allowances ng mga healthcare workers.

Pinayuhan din nito ang mga pagamutan na dapat ay regular na sumasailalim ang mga healthcare workers ng swab-testing para matiyak na hindi sila nahahawaan ng nasabing sakit.

Nakakatanggap din aniya ng mga karagdagang insentibo gaya ng hazard pay at risk allowance habang sila ay nangangasiwa ng mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.