Nakatakdang ilunsad ng Department of Health sa darating na October 7 ang kanilang “Bakuna-Eskwela” na bahagi ng pagpapalakas ng DOH sa kanilang National Immunization Program.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa na bumaba ang national status ng bansa sa fully immunized child dahil sa nagdaang pandemya.
Dahil dito iprinisenta ngayong araw ng Kagawaran kay Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang catch up plan kung saan nakapaloob ang Bakuna-eskwela.
Gaganapin ang kick-off ceremony ng Bakuna-Eskwela nationwide sa Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc Maynila.
Target mabakunahan ang mga grade 1-7 na wala pang bakuna partikular ang para sa measles, rubella, tetanus, at diphtheria, habang ang mga grade 4 na batang babae, na may edad 9 years old ay bibigyan ng human papillomavirus vaccine o anti-cervical cancer vaccine.
Sa datos ng DOH nasa 71% ang fully immunized na mga bata.