-- Advertisements --
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Department of Health na isulong ang mga masustansiyang pagkain para sa mga bata.
Sinabi ni Healht Secretary Ted Herbosa, na nakatakdang makipagpulong din nito sa Department of Education para sa pagsusulong sa mga kabataan ng tama at masustansiyang pagkain.
Lumabas din kasi sa listahan ng DOH na dumarami ang bilang ng mga batang obese.
Nakukuha aniya ang nasabing kondisyon sa hindi tamang kinakain kaya pagdating sa mga edad 20 ng mga bata ay dinadapuan na sila ng mga iba’t-ibang uri ng sakit gaya ng diabetes, high blood pressure at iba pa.