-- Advertisements --

Makakatanggap daw muli ang ang Pilipinas ng karagdagang gamot na remdesivir para sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, karagdagang 1000 vials ng remdesivir ang darating sa ikatlong shipment mula sa WHO.

“Yung shipment ng remdesivir ay parating na, pati ang interferon (The shipment of remdesivir is already on its way, as well as of interferon). And this would be the 3rd shipment of remdesivir to our country where we are going to receive 1,000 vials coming from the WHO,” wika ni Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire, hanggang noong Setyembre 7 ay nasa 1,009 moderate to severe COVID-19 patients na ang naka-enroll para sa trial.

Mula naman sa iba’t ibang sites sa mga rehiyon ang mga nag-enroll para sa trial ng antiviral drug.

Ang Remdesivir ay isa sa mga gamot na sinusubok bilang posibleng lunas para sa COVID-19 kung saan lahat ng mga bansang kalahok sa solidarity trial ay titingnan ang pagiging epektibo nito sa pasyente.

Samantala, sinabi ng opisyal na may planong magsama ng isa pang gamot para makita kung epektibo ito sa COVID-19.

“So ito po, binago rin yung protocols, may bagong gamot po na idadagdag,” ani Vergeire. “But we will be informing all of you kapag na-finalize na yung protocol.”