-- Advertisements --
dengue red cross 1
PRC emergency medical unit serve as extension wards for dengue patients (file photo from Phil. Red Cross)

Hinamon ni Iloilo Rep. Janette Garin ang Department of Health (DOH) na lalo pang maging proactive sa kampanya kontra dengue.

Ito ay matapos na mapaulat ang unang kaso nang transmittal ng dengue sa pamamagitan nang pakikipagtalik.

Bagama’t kailangan pa aniya ang malalimang pag-aaral hinggil sa bagong modalities na ito ng dengue virus, iginiit ni Garin na dapat manatiling bukas ang DOH sa mga sasabihin ng mga eksperto hinggil dito.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng public health department ng Spain ang unang kaso ng sexual transmission ng dengue virus sa Madrid.

Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC), na nagmo-monitor ng mga sakit sa Europe, ang kasong ito ang pinakaunang sexual transmission ng dengue virus sa mga kalalakihan na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Samantala, nanindigan naman ang World Health Organization (WHO) na maari lamang magkaroon ng dengue ang isang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes aegypti.

Sa kabila ng magkasalungat na posisyon ng mga international health organizations, nanindigan si Garin na dapat seryosohin ang bagong transmission mode na ito habang nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang pag-aaral ng mga eksperto hinggil dito.

“I challenge our Department of Health to be more proactive in combating dengue. Let us listen and learn from what actual experts have to say on the rising and new modalities of dengue virus. Only then are we assured of protecting our children and safeguarding the very foundations of our health institutions for a healthier Philippines,” ani Garin.