Kinumpirma ngayon ng Department of Health (DOH) na may naitala ng kauna-unahang fatality sa Plipinas kasunod ng deadly 2019-nCoV coronavirus.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kahapon February 1, 2020 namatay ang 44-anyos na kasamahan ng 38-year old Chinese na babae na unang kinumpirmang infected ng coronavirus.
Sinabi ni Duque pumanaw ang nasabing pasyente dahil sa severe pneumonia.
Kapwa na naka-confine ang dalawa sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Bumubuti na rin ang kalagayan ng 38-anyos na babaeng Chinese na isolated ngayon.
Ang dalawa ay parehong galing Wuhan, China na nakapasok ng bansa via Hong Kong patungong Cebu at Dumaguete.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Chinese embassy hinggil dito, pero sa lalong madaling panahon ay kanila nang iki-cremate ang labi ng namatay na pasyente.
Nanawagan naman ang DOH sa publiko na manatiling kalmado sa kabila ng nCoV-related death.
Ang pangyayari sa Pilipinas ay unang kaso nang pagkamatay sa nCoV sa labas ng China kaya naman agad na umani ito ng atensiyon sa iba’t ibang dako ng mundo.
Sa latest data umakyat pa sa 305 na katao ang namatay dahil sa deadly virus at lomobo pa sa 14,300 ang kumpirmadong nagkasakit na ang karamihan ay mula sa mainland China.
Patuloy naman ang paalala ng mga health officials na panatilihin ang hygiene at ugaliin maghugas ng kamay.
Binigyang-diin naman Duque na nakikipag-ugnayan na rin sila sa airline company na sinakyan ng dalawang pasyente na positibo sa 2019-nCov corona virus.
Kinukuha na rin nila ang manifesto ng mga pangalan ng mga nakasama ng dalawang pasyente.
Sa kabilang dako, inihayag ng DOH na nasa 24 ang person under investigation ang nag negatibo sa coronavirus.