-- Advertisements --

LA UNION – Kumpirmadong lima ang naitalang Patients Under Investigation (PUI’s) ang naitala dito sa lalawigan ng La Union na may kaugnay sa novel coronavirus (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Department of Health Region 1 Regional Director Dr. Valeriano Lopez sinabi nito na nakalabas na ng pagamutan ang dalawang huling PUI’s na kapwa isinailalim sa isolation.

Kabilang sa mga ito ang 51 anyos na British national na lalaki at 47 anyos na Filipina na kapwa galing ang mga ito sa Shanghai China.

Ayon kay Dr. Lopez noong pang Febuary 8, 2020 nakalabas ang dalawa at hindi na rin itinuloy ang contact traising sa kanila matapos magnegatibo ang resulta ng mga ito.

Hindi naman nito itinanggi na mayroon silang minomonitor sa kasalukyan na nga Pinoy na nakauwi na sa Pilipinas mula sa bansang Taiwan.

Sa ngayon, nananatiling COVID-19 free ang buong Region 1.