Malakas ang paniniwala ni Departmen of Health Usec. Maria Rosario Vergeire na may magagawa pa ang Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa isinagawang virtual presser ng DOH kanina, ipinakita nito na ang karamihan ng mga kaso ay galing sa Region 4-A. Region 7 at iba pang rehiyon sa bansa.
Nakakita rin ng pagtaas ng kaso sa National Capital Region kung saan kasama sa hotspot ang mga lungsod ng Marikina, Muntinlupa, Quezon, at Makati habang bumababa naman ang mga naitatalang kaso sa Visayas region.
Bukod naman sa mga barangay ay mayroon ding tatlong closed setting facilities na may clustering sa NCR Kasama na rito yung clustering sa mga MRT personnel.
Aminado si Vergeire na tumataas ang bilang ng kaso ng deadly virus nitong mga nakaraang linggo dahil sa on-going verification process ng mga laboratoryo.
“Ito po ang data natin sa critical utilization rate as of July 4, 2020. Sa buong bansa, 38.75% pa lang ang total na ICU beds na nagagamit, 20.71% ang utilization rate para sa mechanical ventilators,” ani Vergeire.
“Kasalukuyan ay mababa po ito relatively at magandang indikasyon sapagkat nangangahulugang marami pa po tayong reserve facilities sakaling kailanganin po natin ito. As of July 4, mayroon na tayong 75 COVID-19 testing labs. As of July 4, nakapag-conduct na tayo ng 828,210 tests,”
Samantala, kinumpira ng kalihim na karamihan sa mga COVID-19 positive patients na kasalukuyang naka-admit sa Chinese General Hospital ay mula sa Metro Manila.
Kahapon kasi ay nagdeklara ang pamunuan ng Chinese General Hospital and Medical Center ng full capacity dahil dumami pa raw ang severe COVID-19 cases ng pasilidad.
Paglilinaw ng DOH na una pa lang ay inatasan na nito ang mga pagamutan na maglaan ng kama para sa COVID-19 patients ngunit hindi naman lahat ay sumunod dito.
30-percent ng mga kama sa ospital ang ginawang standard ng ahensya kaya kung magdedeklara raw ang isang ospital ng full capacity ay dapat isaalang-alang na ang mga ito ay ang assigned dedicated beds for COVID at hindi ang buong ospital.
“We have to make sure we have at least 30% of beds allocated for COVID-19 response. We are ramping up our health system capacities. side from Chinese General Hospital, the following hospitals in Metro Manila have reported 100% utilization rate of their COVID-19 dedicated ICU beds: Veterans Memorial Medical Center, UST Hospital, University of Perpetual Help, Tondo Medical Center, Philippine Children’s Medical Center, Metro North Medical Center and Hospital, Las Piñas Doctors Hospital, De Los Santos Medical Center at Capitol Medical Center.” wika pa ni Vergeire.