Pinaigting pa ng DoH ang kanilang paglilibot at paggamit ng broadcast media para umapela sa publiko na iwasan ang mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Kasunod ito ng nalagpasan nang bilang ng firecracker related injuries sa kaparehong panahon o besperas ng bagong taon noong 2018.
Sa ngayon kasi ay halos 70 na ang mga naputukan sa buong bansa, habang 60 lang ang recorded noong nakaraang taon.
Lumalabas na tatlong porsyento ang itinaas nito para sa taunang data.
Pero mas mababa pa rin naman daw iyon kung ihahalintulad sa nakalipas na limang taon ng kanilang monitoring.
Kaya naman, umaapela si Duque sa media at maging sa mga social media influencers na ikampanya ang iwas paputok dahil malaking pinsala at pangmatagalang epekto nito sa mga magiging biktima, lalo na ang mga kabataan.
“Paano pa ang future nung mga bata na nasabugan sa kamay, mata at iba pang parte ng katawan? Mas piliin sana natin ang ligtas na paraan ng pagsalubong sa bagong taon,” wika ni Duque sa panayam ng Bombo Radyo.