Ikinaalarma ng Department of Health (DOH) ang tumaas na ring kaso ng leptospirosis sa bansa.
Nitong araw nang silipin ni Health Sec. Francisco Duque III ang sitwasyon ng mga pasyenteng naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Sa ngayon 28 indibidwal ang naka-confine sa gymnasium ng NKTI na kinonvert muna bilang ward para sa leptospirosis patients.
Batay sa datos ng DOH, mula Enero hanggang nitong Hulyo ay pumalo na sa 916 ang kaso ng leptospirosis sa Pilipinas.
Higit 300 sa mga ito ang sa National Capital Region, at higit 100 naman na ang namatay.
Aminado si Duque na maduming kapaligiran ang isang sanhi ng naturang sakit kaya hinimok nito ang mga local government unit na gawing mandato ang paglilinis sa kanilang mga nasasakupang lugar.