LEGAZPI CITY – Nag-abiso ang Department of Health (DOH) Bicol na iwasan ang paputok, kahit pa nahaharap ang bansa sa pandemya at krisis na dulot ng serye ng mga kalamidad.
Ayon kay Sam Banico, program coordinator ng DOH Bicol sa “Iwas Paputok” campaign, maituturing na espesyal ang kasalukuyang panahon subalit hindi dapat makalimutan ang pagpapaalala ngayong holiday season.
Sa nakalipas na selebrasyon noong 2019, inihayag ni Bonico na nagkaroon ng 54% na pagtaas sa mga biktima ng paputok.
Nabatid na nakapag pulong na rin ang central office ng DOH sa iba’t ibang ahensya na katulong sa kampanya noong nakalipas na linggo at nakatakdang mag-release ng guidelines.
May inihahanda na ring draft, na ayon kay Bonico ay magbibigay diin sa pagsunod sa minimum health standards. V
Kahit mababa ang inaasahang kaso ng mabibiktima ng paputok ngayong taon, magsasailalim pa rin sa Code White status ang mga health units sa Pasko at Bago