Ibinunyag ng Department of Health (DoH) ang plano nitong bumuo ng isang nationwide network ng modernong primary care facilities na makikinabang sa 28 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ang ideya nito ay tulad ng mga out-patient clinics sa mga pampublikong ospital o sa mga mall.
Ang layunin ng nasabing mga pasilidad ay i-decongest ang mga pampublikong ospital.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa ang inisyatiba, na tinatawag na Bagong Urgent Care and Ambulatory Sevices (Bucas), ay batay sa DoH Modernization for Health Equity framework na itinatag noong 2nd National Health Sector Meeting mula Enero 29 hanggang ngayong araw Pebrero 1.
Sinabi ni Herbosa na ang mga pasilidad, na itatayo katabi ng mga kasalukuyang pag-aari ng estado tulad ng mga unibersidad at kolehiyo ng estado, ay magsisilbing extension ng mga ospital ng gobyerno.
Ang bawat isa ay magkakaroon ng kagamitan upang magsagawa ng mga serbisyo sa pangunahing pangangalaga tulad ng pagbabakuna.
Gayundin ang ukol sa nutrisyon at pagsusuri para sa mga bata, mga buntis at mga senior citizen.
Aniya, ang inisyal na plano ay magbukas ng 28 Bagong Urgent Care and Ambulatory Sevices (Bucas) facilities sa buong bansa.