-- Advertisements --

Magkakasa sa Lunes, Pebrero 24, ang Department of Health (DOH) ng anti-dengue clean-up drive sa buong bansa sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue.

Ilulunsad ang “Alas-Kwatro Kontra Mosquito” drive dakong alas-4 ng hapon.

Sinabi ng DOH na simula Biyernes, 4.p.m., ang mga sumusunod na lugar ay lalahok sa programa:

  • Brgy. Batasan Hills, Quezon City
  • Brgy. Bolong Oeste, Sta. Barbara, Iloilo
  • Municipal of San Dionisio, Iloilo
  • Brgy. 1, San Jose, Antique
  • Municipals of Guimaras
  • Brgy. Tondog, Aklan
  • All government offices in Negros Occidental
  • Municipal of Josefina, Zamboanga del Sur
  • Oroquieta City, Misamis Occidental
  • El Salvador City, Misamis Oriental
  • Iligan City, Lanao del Norte
  • Municipal of Norala, South Cotabato
  • Municipal of of Banga, South Cotabato
  • Municipal of Surallah, South Cotabato
  • Municipal of Tantangan, South Cotabato
  • Municipal of Tupi, South Cotabato
  • Municipal of Lebak Sultan, Kudarat
  • Municipal of Columbio, Sultan Kudarat
  • General Santos City
  • Buhangin, Davao City

Iniulat ng DOH noong Biyernes na mayroong kabuuang bilang na 43,732 dengue cases mula Enero hanggang Pebrero 15, 2025. 

Nabatid na ito ay 56 porsiyentong pagtaas mula sa 27,995 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunpaman, naobserbahan nito ang limang porsyentong pagbagal ng mga kaso sa nakalipas na apat na linggo.