-- Advertisements --

Nakatakdang gumawa ng bagong sistema ang Department of Health (DOH) para sa sistematikong COVID-19 tally.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isasama na nila sa kanilang COVID-19 tally ang mga nagpositibo sa home-based antigen test.

Pinayuhan din nito ang publiko na gumamit ng tamang antigen test para makakuha ng tamang resulta.

Sa nasabing plano kasi ay mag-log in ang mga nasa bahay ng kanilang mga gagamiting test kits at ang kanilang resulta.

Sa nasabing paraan ay maisasama na ito sa pagrereport nila kada araw ng mga nadadapuan ng COVID-19.