Nakatakdang magpadala ang Department of Health (DOH) ng healthcare workers sa Jamaica.
Ito ay kasunod ng paglagda ng DOH at Ministry of Health ng Jamaica sa isang memorandum of understanding (MOU) na magpapahintulot sa pagpapadala ng mga Pilipinong healthcare workers sa Jamaica para sa capacity building.
Hindi naman tinukoy ng DOH kung gaano karami ang healthcare workers na ipapadala sa Jamaica.
Nilagdaan ang naturang kasunduan nina Philippine Health Secretary Teodoro Herbosa at Jamaican Health Minister Christopher Tufton sa Kingston, Jamaica.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman ang 2 bansa sa mga larangan tulad ng biotechnology at epidemiology at pagtugon sa health workforce sustainability.
Samantala, committed naman si Sec. Herbosa sa agarang pagpapadala ng mga Pilipinong healthcare workers sa Jamaica na naglalayong pahusayin pa ang kanilang kapasidad sa pamamagitan ng exposure sa healthcare system ng Jamaica habang tinutulungan ang health workforce shortage sa bansa.