Magpapasaklolo ang Department of Health sa Department of Budget and Management para sa dagdag na pondo para sa bakunahan kontra Human Immunodeficiency Virus.
Bahagi ito ng layunin ng pamahalaan na mas palawigin pa ang immunization program para sa pagbabakuna laban sa human papillomavirus partikular na sa lahat ng mga pre-puberty girls.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, nais niyang mabakunahan ang lahat ng mga kabataang babae mula sa iba’t-ibang mga sektor upang makamit ang target na 95% na fully immunized child coverage.
Dapat kasi aniyang mabakunahan agad ang mga batang babae na may edad siyam hanggang 14 taong gulang bago maging sexually active ang mga ito.
Sa datos ng DOH, mayroong 16 million na mga batang babae na may edad na 15 taong gulang sa bansa, ngunit ang libreng HPV vaccination ng kagawaran ay sumasaklaw lamang sa nasa 2.7 million na mga batang babae dahilan kung bakit pinupursigi ngayon ng naturang kagawaran ang dagdag na budget para dito.