Magtatalaga ang Department of Health ng nasa 201 na mga medical personnel sa kahabaan ng ruta ng Traslacion sa araw ng Huwebes.
Ayon sa DOH na nakipag-ugnyana na sila sa iba’t-ibang ahensiya at sa Manila City Government para sa pagtatayo ng medical stations.
Ilan sa mga lugar na kanilang paglalagyan ay ang Quirino Grandstand, Ayala Bridge, Rizal Park at Quinta Market.
Ang 201 na mga tauhan ay mula sa Health Emergency Response Team (HERT) ng 20 pagamutan ng DOH sa Metro Manila kasama na dito ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), Tondo Medical Center (TMC), Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJFMH), at East Avenue Medical Center (EAMC).
Nakahanda rin ang mga pagamutan sa Metro Manila sakaling doon dalhin ang mga pasyente na nangangailngan ng atensyon medikal.