Umaasa ang Department of Health (DOH) na mahigpit na ipapatupad ng mga health experts ang inilabas nilang guidelines para sa muling paggamit ng COVID-19 vaccines na gawa ng kompanyang AstraZeneca.
Ayon sa DOH na inilabas ang guidelines matapos ang pagpupulong sa mga experts group ng DOH at ng Philippine College of Hematology and Transfusion Medicine (PCHTM).
Unang sinunod kasi ng DOH ang naging rekomendasyon ng Food and Drugs Administration (FDA) sa temporaryong pagsuspendi ng nasabing bakuna matapos ang napaulat na kaso ng Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT).
Dagdag pa ng DOH, ang nasabing desisyon sa muling paggamit nila ng bakuna ay naging maganda ang tiyempo dahil sa paparating na sa bansa ang dalawang milyong doses ng AstraZeneca nitong Sabado.