MANILA – Muling nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa gitna ng mga kwestyon sa mandatoryong pagsusuot ng face shield laban sa COVID-19.
“Whenever we issue out policies, these are all based on evidence. So we will not issue a directive if it is not based on scientific basis,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Ang pahayag na ito ng opisyal ay kasunod ng mga ulat na may ilang bansa na hindi naman nagpapatupad ng mandatoryong pagsusuot ng naturang protective equipment.
Ayon kay Vergeire, nakasaad sa isang pag-aaral na naka-publish sa research journal na The Lancet, na 78% protektado laban sa coronavirus ang mga taong nakasuot ng proteksyon sa mata.
Mayroon din daw hiwalay na pag-aaral na ginawa ang local health experts, kung saan lumabas na maaari pang umabot ng higit 90% ang proteksyon kapag naka-suot ng face mask.”
“Dr. Tony Dans and Dr. Maya Herrera conducted a local study, wherein they were able to find that wearing face shield over face mask would give you that protection of about 93%.”
“If still coupled with physical distancing it rises to 99% protection.”
Naniniwala ang DOH spokesperson na mas na-kontrol ng gobyerno ang pagkalat ng sakit mula nang isama ang pagsusuot ng face shield sa ipinatutupad na health protocols.
“Of course the study needs to provide basis for this, but we can see that these face shields are okay.”
Noong Disyembre nang ipatupad ng Inter-Agency Task Force ang resolusyon na nagma-mandatoryong magsuot ang publiko ng face shield.
Sa isang joint statement naman nitong buwan, sinabi ng DOH at Department of Transportation na dapat na ring magsuot ng face shield ang ma nakasakay sa private vehicles.
“When the driver is with passenger/s, it is mandatory for all individuals inside the vehicle to properly wear a face mask, regardless if they are from the same household,” ayon sa statement.