-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng Department of Health (DoH) na mas nakaalerto pa rin sila sa ibang sakit na dati nang umiiral sa Pilipinas, kaysa sa bagong karamdaman na natuklasan sa China.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, tagapagsalita ng DoH, mas fatal pa ang dengue, SARS at ibang flu virus, kaysa sa bagong strain.
Wala pa raw kasing naitatalang namatay mula sa 44 na nagpositibo sa nasabing sakit sa China.
Hindi pa rin naka-detect ng human-to-human transmission hinggil sa nadiskubreng karamdaman.
Gayunman, hindi umano nagkakampante ang DoH, lalo’t aminado silang wala pang gamot sa bagong virus na umaatake sa resperatory system ng mga biktima nito.