-- Advertisements --

Mag-aalok ang Department of Health (DOJ) ng nasa 2,600 na bakanteng posisyon para sa isasagawa nilang job fair.

Ayon sa DOH na ang job fair ay bahagi ng pagdiriwang nila ng ika-126 anibersaryo ng opisina.

Ang nasabing mga bakanteng posisyon ay para sa iba’t-ibang DOH Hospitals at medical facilities.

Bukod sa mga job seekers na nasa medical field ay may alok din na trabaho sa mga hindi konektado sa medical field.

Sinabi naman ni DOH Spokesman Assistant Secretary Albert Domingo na ang nasabing job fair ay nationwide na isasagawa sa mga DOH Centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.