-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga nagpapaturok na ng booster shots ng COVID-19 ng wala pang pahintulot ang national government.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vegeire na ang nasabing hakbang ay maituturing na paglabag sa national protocols.

Dagdag pa nito na sakaling nagkaroon ng aberya sa mga nagpaturok na ng ikatlo o booster shots ay hindi pananagutan ito ng gobyerno.

Ang tanging maaring mapanagot ay yung tao na nagturok ng nasabing bakuna.

Pinakamagandang gawin aniya ngayon ay hintayin muna ang emergency use authorisation (EUA) mula sa Food and Drugs Administration (FDA) para sa pagpapabakuna ng 3rd dose.