Gumagawa na ngayon ang Department of Health (DOH) ng home care kit para sa mga mayroong mild COVID-19 cases.
Sa nasabing hakbang ay matutulungan ang mga pasyente na i-monitor ang kanilang kondisyon at mapapanatili ang mataas na occupancy rate sa mga pagamutan.
Sinabi ni DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire, inatasan sila ng Office of the President na gawin ang nasabing hakbang dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mas may kapanatagan ng loob ang isang pasyente kung pipiliin nilang manatili sa bahay dahil mayroong silang magagamit.
Magkakaroon din ng advice mula sa mga doctor sa pamamagitan ng telemedicine kung ano ang mga tamang gamot na maaaring inumin.
Dagdag pa ni Vergeire na ang mga home care package ay binubuo ng mga vitamins, gamot gaya ng paracetamol at mga instructions para sa mga pasyente.